Simula ng…

Simula ng…

Ngiti sa aking mga labi
hinding hindi ko maikukubli
ang tunay kong nararamdaman
kilig;sa tuwing ika’y nasisilayan

Pag ika’y dumaraan sa aking harapan
aking mga mata’y ika’y sinusundan
palihim kitang tinitignan
tulad ng aking nararamdaman

Nakakahawa; iyong mga ngiti
abut-abot hanggang langit
lugar na iyong pinanggalingan
kayat kahanga-hanga iyong kabaitan

Hindi ko sasabihin; yun aking plano
‘di na maagbabago; itataga ko sa bato
sapat na ang maging ganito
simula ng ako’y magkagusto’t makuntento.