Luha

Akin pang pinagpipilitan
ang hindi ko maintindihan
na ngayon ko lang naranasan
puso’y tuluyan ng nasugatan

Hapdi’y aking nararamdaman
‘di na kayang labanan
sakit na tagos sa laman
sa pagpapaliwanag ako’y nahihirapan

hindi ko na kayang hawakan
kaya’t ito’y akin ng bibitawan
bituwi’y saksi sa’king kapighatian
pagkat umiyak ako sa kanilang harapan

Kay luwag sa pakiramdam
kahit na wala akong pinagsabihan
ngayon ko lang nalaman at natutuhan
luha syang sagot sa ‘di maipaliwanag na kalungkutan.